Gupit Lyrics - Toto Sorioso

Gupit
Toto Sorioso



Nagpagupit ka na naman;
at naka sandong pang-ST Queen.
ngunit mukhang giyera ka galing.

akala ko, nagpapahaba ka ng buhok;
pero ngayon nagpagupit. at parang kalbo ka na naman.

may bago kang kuwento na na naman;
pero pareho ang tema.
pinipintasan ka na naman
ng boyfriend mong di mo kaibigan.
bakit di mo maintindihan libog lang hanap niya sa iyo?
'wag ka nang magpantasya na gagalangin ka pa niya.
asa ka pa.

naaalala mo pa ba ginabi tayo sa eskuwela?
at di sinasadya napahaba ating kuwentuhan.
at napaaming sayo’y may pagtingin.
ika’y napatawa at parang pader na dedma…dedma.

hindi ka na ba napapagod?
lagi ako ang tagaabot
ng mineral water mo

sa tuwing ika’y tumatakbo
dahil sa nag-away kayong siyota mong gago.
pwede bang wag ko nang punasan ang nagluluhang mukha mo?

nagpagupit ka na naman
at nakasandong pang ST Queen.
ang swerte naman ng siyota mo.
kelan ka pa kaya magpapagupit ng buhok mo
para sa akin?
Post a Comment (0)
Previous Post Next Post