Sana'y Di Pangarap Lyrics - Sheryn Regis

Sana'y Di Pangarap Lyrics
by: Sheryn Regis

Nang makita ka'y biglang nagbago ang takbo
Takbo ng buhay kong dati ay bakit kay gulo
'Di ko inaasahan na iyong paglalaanan
Ng tunay at tanging pagmamahal

[CHORUS]
Sana ay 'di ito pangarap
At 'di isang pangako't sumpa
Na sa paggising ko'y mawawala
Sana'y hindi tulad ng dati
Lumuluha araw-gabi
At sana'y lagi ka na katabi

Dati ay parang ayoko na na magmahal
Natatakot mangyari na muli ay masaktan
Ngunit sa 'yong pag-ibig ay langit ang s'yang nadama
Ngayo'y 'di na ako mag-iisa

[Repeat CHORUS]

[BRIDGE]
'Di ko kailangan ang pangako
O 'di kaya'y pagsuyo
Ang nais ko'y maramdam ang 'yong puso
At huwag mo sanang iiwanan
Huwag mong pababayaan
Ang puso kong muli'y iibig at magmamahal sa 'yo
At…

[Repeat CHORUS]

[CODA]
Sana'y hindi tulad ng dati
Lumuluha araw-gabi
At sana'y lagi ka na katabi
Previous Post Next Post